Para sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa akin sa kabila ng aking mga kabaliwan...
Mahirap man ang buhay, madalas man tayong magkamali, madapa, masaktan...
Halina irog kong munti
Maaga pa lang ay intindihin
Na ang buhay ay hindi panay
Sorbetes, kendi, at taho;
Na may pag-asa ring patay,
At may pangarap ding basyo.
-- Uyayi, Rolando S. Tinio
Ngunit...
Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa iyong kamay
Ikaw ang Diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa 'yo
-- Huwag Kang Matakot, Eraserheads

No comments:
Post a Comment